Posibleng mataasan ang gantimpala at mapaghusay ang Witness Protection System para sa mga tetestigo laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 258, ipinapanukala ni Senador Ping Lacson na makipagtulungan sa kanila ang mga kapani-paniwalang testigo na may maaasahang impormasyon.
Aniya, layon ng panukala ni Lacson na mahimok ang mga may nalalaman tungkol sa mga katiwalian sa gobyerno na lumantad na.
Isinusulong ng panukala na itakda ang gantimpala para sa mga Whitleblower mula 50 Libo hanggang 5 Milyong Piso.
Kapag nag-qualify sa programa ang isang Whistleblower sa batayan ng Ombudsman, makukuha nito ang kalahating halaga ng gantimpala at makukuha ang natitirang kalahati sa oras na maisampa na ang kaso sa korte.
By: Avee Devierte