Sinimulan na ng Philippine Overseas Labor Office at Overseas Worker Welfare Administration ang pagbibigay ng Financial Assistance form para sa mga na-stranded na Overseas Filipino Workers sa Kingdom of Saudi Arabia.
Sa kanyang pagbisita sa Saudi OGER Firm, nangako si Labor Secretary Silvestre Bello III na pagkakalooban ng 20 Libong Pisong Cash Assistance ang bawat OFW, habang 6 Libong Piso sa kada pamilya ng mga ito na nasa Pilipinas.
Tinatayang nasa 11 OFW ang nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.
By: Meann Tanbio