Napasakamay ni Serbian star Novak Djokovic ang kampeonato sa Rogers Cup.
Ito ay makaraang idispatsa sa finals ni Djokovic ang kalabang si Third Seed Kei Nishikori ng Japan sa iskor na 6-3, 7-5.
Aminado naman si Nishikori na marami siyang unforced errors at kabilib-bilib aniya ang pagbabalik sa mataas na kondisyon ng laro ni Djokovic.
Ang tagumpay na ito ni Djokovic ay siyang pang-apat niyang kampeonato sa Rogers Cup matapos magwagi noong 2007, 2011 at 2012.
By Ralph Obina
Photo Credit: sky sports