Ginugunita ngayong araw ang ika-7 anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Inaasahang mapupuno ng mga bulaklak ang puntod ng yumaong dating pangulo sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Gayunman, walang opisyal na pahayag mula sa kampo ng pamilya Aquino kung may isasagawang programa ngunit inaasahan na magkakaroon ng misa na dadaluhan magkakapatid na Aquino sa pangunguna ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Magugunitang pumanaw si Ginang Aquino noong August 1, 2009 bunsod ng kaniyang sakit na colon cancer.
By Jaymark Dagala