Naglunsad ng motorcade ang grupong PISTON at No To Jeepney Phaseout Coalition sa Mendiola.
Ang transport motorcade na ito ay tinawag nilang “rally for change” para maisumite nila ang transport agenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, nagtipon ang grupo sa National Housing Authority sa Elliptical Circle bago nag-motorcade sa Mendiola.
Kabilang sa mga inihihirit ng grupo ay ang mga sumusunod: ituloy ang Peacetalks kasama ang National Democratic Front o NDF; pagpapalaya sa Political Detainees; no to PUJ Phaseout, Yes to PUJ Rehab; tanggalin ang labis-labis na multa o paglabag sa ilalim ng Joint Administrative Order 2014-01 ng DOTC, LTRFRB at LTO; at ibasura ang bagong polisiya ng LTFRB na nagbabawal sa mga U.V. Express na dumaan sa EDSA.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 5) Aya Yupangco
Photo Credit: PISTON