Dapat munang amyendahan ng Kongreso ang Philippine Passport Act of 1996 bago palawigin ang validity nito.
Inihayag ito Department of Foreign Affairs makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na mula sa 5 taon ay gagawin niyang 10 taon ang validity ng passport.
Binigyang-diin ni DFA Spokesman Asst. Sec. Charles Jose na nasa Kongreso ang unang hakbang upang maipatupad ito.
Bago ito, una nang sinabi ng DFA na may mga programa na silang ginagawa upang mapagaan ang pagkuha ng passport ng publiko, lalo na ng mga OFW.
Kabilang na rito ang mas pinaigting at mas organisado na Appointment System upang matiyak na hindi na pipila pa ng mahaba ang mga kumukuha ng passport.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 25) Allan Francisco