Idinipensa ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na binibigyang-halaga nilang mga pulis ang buhay dahil mayroon din silang mga pamilya.
Masakit, aniya, ang maparatangang winawalang-bahala nila ang karapatang mabuhay ng kanilang mga nadarakip.
Dagdag pa ni Dela Rosa, propesyunal silang mga pulis at nag-iingat sila sa kanilang mga operasyon.
Iginiit ng Hepe ng pambansang pulisya na hindi niya kinukunsinti ang pamamaslang ng mga Vigilante.
Una nang nakaani ng batikos ang mga pulis dahil sa napapatay na mga inosenteng biktima sa gitna ng kampanya ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
By: Avee Devierte