Umalma ang ilang Party-List Representative sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang lahat ng Party-List kapag naamyendahan ang Saligang Batas.
Ayon sa mga nasabing kinatawan ng iba’t ibang sektor, dapat na amyendahan na lang ang Republic Act Number 7941 o ang Party-List System Act.
Depensa ni Akbayan Party-List Representative Tom Villarin, hindi lahat ng Party-List ay masama dahil binibigyang-boses nila ang mga sektor na kinatawan.
Sumang-ayon dito si Magdalo Representative Gary Alejano na nagsabing mayroong mga gaya nilang matagumpay na nakapagsulong ng interes ng mga sektor na kanilang nirerepresinta.
By: Avee Devierte