Isa nang ganap na batas ang Anti-Age Discrimination Bill.
Sa ilalim ng Republic Act 10911, bawal sa mga employer na hindi tanggapin ang mga aplikante dahil sa kanyang edad.
Hindi na rin maaaring maglagay ng age preference sa mga job advertisement gayundin ang pwersahang pagli-lay off o kaya naman ay pwersahang retirement dahil sa edad.
Inaasahang maipatutupad na ang naturang batas sa Agosto 16 pagkatapos na mailabas ang rules and regulation nito.
Ganap na naging batas ang Anti-Age Discrimination Bill nang mapaso ito nang mabigo si dating Pangulong Benigno Aquino III na lagdaan ang panukalang batas matapos na aprubahan ito ng Kongreso.
Samantala, tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Age Discrimination Law.
Ayon sa DOLE ang nasabing batas ang magbibigay ng lakas ng loob para sa mga edad na nais pang mag-apply sa trabaho.
By Rianne Briones | Ralph Obina
Photo Credit: www.streetwisejournal.com