Naniniwala si dating Senador Nene Pimentel na hindi pa masyadong naiintindihan ng mga Pilipino ang pederalismo.
Ito ang reaksyon ni Pimentel sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan lumalabas na 44 percent ng mga Pilipino ang tutol sa charter change habang 37 percent lamang ang pabor dito.
Sinabi din ni Pimentel na isa hanggang dalawang taon ang nakikita niyang timeline para maamyendahan ang konstitusyon at mabago ang porma ng gobyerno sa pederalismo.
Aniya malaking bagay ang malaking impluwensya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Kongreso para mapabilis ang proseso kung constituent assembly (Con-Ass) ang gagamiting paraan sa pag-amyenda ng konstitusyon.
Kasabay nito, hinikayat ni Pimentel ang mga mambabatas na magsagawa ng public hearing sa lahat ng sulok ng bansa upang magkaroon ng partisipasyon ang taongbayan sa pag-amyenda ng konstitusyon at pagpapalit ng porma ng pamahalaan.
Bahagi ng pahayag ni dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel
By Mariboy Ysibido | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas