Ikinakasa na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang kanilang sariling 24/7 hotline.
Ito’y para tugunan ang lahat ng mga sumbong, reklamo at mga concerns ng mga manggagawang Pilipino sa loob man o labas ng bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bebot Bello III, partikular na tututukan ng hotline ang mga reklamo ng obrero na may kaugnayan sa pasuweldo tulad ng minimum wage, overtime, holiday pay at mga kahalintulad na kaso.
Kasunod nito, inatasan na rin ni Bello ang lahat ng mga attached agencies ng DOLE gayundin ang mga regional offices at overseas labor office na magsumite ng kanilang plano kung paano ipatutupad ang operasyo ng naturang hotline.
Inaasahang sabayang sisimulan ang naturang programa ng DOLE sa Agosto 15, araw ng Lunes.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)