Nakadepende pa rin sa judicial procedure ang posibilidad ng paglaya ng mga bilanggong pulitikal.
Ayon ito kay Presidential peace adviser Jesus Dureza hinggil sa pagpapalaya sa ilang political prisoner na tiyempo sa pagsisimulang muli ng usapang pangkapayapaan sa Norway sa a-bente ngayon buwan.
Kabilang sa listahan ng mga bilanggong pulitikal ang mag-asawang CPP peace consultant na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Sinabi ni Dureza, kailangan munang sundin ang mga requirement ng korte bago matuloy ang pagpapalaya sa kanila.
Matatandaang inaresto ng militar ang mag-asawang Tiamzon noong 2014 dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention, rebelyon, at mga krimen laban sa sangkatauhan tulad ng murder.
By: Avee Devierte