Umaabot sa 402 ang bilang ng mga napatay na drug suspect mula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra iligal na droga.
Base ito sa datos ng PNP o Philippine National Police mula Hulyo a-Uno hanggang Agosto a-Dos.
Lumalabas din sa datos ng pambansang pulisya na kabuuang 5,418 katao ang naaresto, habang nasa halos 600,000 naman ang sumuko sa mga otoridad.
By: Meann Tanbio