Handang magbalik-kalsada ang grupo ng mga estudyante upang ipakita ang pagtutol sa plano na gawin uling mandatory ang pagkuha ng ROTC sa kolehiyo.
Ayon kay Kevin Aguayon ng College Editors Guild of the Philippines, nananatili ang posisyon ng maraming grupo ng kabataan na dapat tuluyan nang i-abolish ang ROTC.
Pinuna ni Aguayon na sa halip na disiplina ay hazing ang napapala ng maraming estudyante sa ROTC.
Matatandaan na noong 2002 ay ginawang optional ang ROTC sa ilalim ng National Service Training Program (NSTP) at kasama sa puwedeng pagpilian ay ang Literacy Training Service (LTS) at Civic Welfare Training Service (CWTS).
Bahagi ng pahayag ni Kevin Aguayon ng College Editors Guild of the Philippines
By Len Aguirre | Ratsada Balita