Pinangangambahang maging ‘wild wild west’ na ang Pilipinas sa hinaharap.
Ito ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ay kung walang maipapakita ang Philippine National Police (PNP) na resulta ng imbestigasyon sa mga extrajudicial killings.
Iisipin aniya ng taongbayan na kahit na sino na lamang ang puwedeng patayin ng sinuman.
Binigyang diin ni Lacson na napakaganda ng giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs dahil napatunayan na puwedeng maging drug-free ang Pilipinas.
Gayunman, nababahiran anya ito ng hindi maganda dahil sa summary killings.
By Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: AFP