Tiniyak ng Malacañang na hindi maaabuso ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course o ROTC para sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Inihayag ito ng Palasyo makaraang pumalag ang Kabataan Partylist sa plano ng gobyerno na amyendahan ang umiiral na National Service Training Program Act of 1997.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinag-aaralan na ng ehekutibo ang mga rekomendasyon na titiyak sa seguridad ng mga estudyante.
Nais aniya ng Pangulong Rodrigo Duterte na hubugin ang mga kabataang mag-aaral na buhayin ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.
Binigyang diin pa ng Kalihim na bukas naman ang gobyerno na makipagdiyalogo sa mga sektor o grupong tutol sa pagbabalik ng mandatory ROTC.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)