Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga mangingisdang papalaot sa bahagi ng Panatag o Scarborough Shoal na manatiling mahinahon
Kasunod ito ng pinakabagong pahayag ng China na aarestuhin at ikukulong ang mga mangingisdang mahuhuling namamalakaya sa mga katubigang saklaw ng West Philippine Sea na inaangkin din ng China
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Asst/Sec. Charles Jose, makabubuting maghintay muna ang mga mangingisda hinggil sa magiging resulta ng pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas bago gumawa ng mga kaukulang hakbang
Maganda ring hintayin ang magiging hakbang ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy sa China upang ilapit ang problema ng mga mangingisda sa nasabing karagatan
Mainam ani Jose na sundin ito ng mga pinoy upang maiwasan ang maharap sa panghaharass o pambubully ng China sa Bajo de Masinloc na inaangkin na rin naturang bansa
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 25) Allan Francisco