Pinangangambahang malugi ng 3 bilyong piso kada oras ang Pilipinas dahil sa nararanasang brownout sa Luzon
Ito ang ibinabala ni Senador Sherwin Gatchalian kasunod ng lumabas na datos ng Philippine Statistics Authority o PSA
Batay sa datos, tinatayang nasa 3.3 Bilyong Piso ang nawawala mula sa gross domestic product o GDP statistics sa unang bahagi ng taon dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng kuryente sanhi ng manipis na suplay at pagpalya ng mga planta
Magugunitang sunud-sunod na araw nang inilalagay sa Yellow Alert status ang Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente
Dahil dito, nanawagan si Gatchalian sa administrasyong Duterte na bigyang pansin at agad aksyunan ang problema
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19) Cely Bueno