Nagpahayag na ang anak ni Albuera Mayor Rolando Espinosa na si Kerwin na uuwi ito at susuko sa mga awtoridad.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir/Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa makaraan ang pagbisita nito sa labi ng isang napatay na pulis sa Pasay City kaninang umaga.
Sinabi ng PNP Chief, hindi niya pipigilan ang alkalde na sunduin ang anak sa paliparan at malaya aniya siyang gawin ito.
Gayunman, sinabi ni dela Rosa na hindi idederetso sa Malacañang si Kerwin sa halip daraan ito sa normal na proseso ng pagsuko tulad ng ginagawa sa mga ordinaryong kriminal.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal | Allan Francisco