Kasado na ang metrowide earthquake drill na pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Hulyo 30.
Kaugnay nito, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sa Hunyo 2 ay nakatakda siyang makipagpulong sa mga alkalde sa Metro Manila upang pag-usapan ang mga gagawing paghahanda.
Aniya, puputulin ang suplay ng kuryente at maging ang linya ng komunikasyon habang isasarado rin ang mga pribado at pampublikong mga tanggapan kasama ang mga malls mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi upang maging makatotohanan ang scenario ng 7.2 magnitude na lindol.
Kasado na rin ang Oplan Metro Yakal kung saan 6,000 mga kawani ng MMDA ang kikilos pagtapos naman ng lindol.
Target ng MMDA na gawin ang drill ng umaga at gabi.
By Rianne Briones