Iminumungkahi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagkakaroon ng corporate farm para sa pagsasama ng bigas sa mga matatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Inihalimbawa ni Piñol ang ginawa ng isang kumpanya sa Cavite kung saan kinontrata at pinondohan nito ang grupo ng magsasaka sa Mindoro.
Bahagi ng pahayag ni DA Secretary Manny Piñol
Ipinaliwanag ni Piñol na kapag ginaya ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at dumeretso sa mga magsasaka, malaki ang posibilidad na mas mura ang kanilang mabibiling bigas para sa 4Ps at matitiyak din ang sapat na suplay para dito.
Bahagi ng pahayag ni DA Secretary Manny Piñol
Rice supply
Makatatanggap na ng libreng bigas mula sa National Food Authority o NFA ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ng pamahalaan.
Ito’y ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ay bilang pagtupad sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA noong isang buwan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Hope Hervilla, magsisimula sa susunod na taon ang pamamahagi ng tig-20 kilo ng bigas para sa may 4.4 na milyong benepisyaryo ng 4P’s.
Gayunman, inamin ni Hervilla na madaragdagan ang gastos ng gobyerno para sa pambili ng bigas mula sa NFA ngunit gagamitin aniya ang president’s social fund para rito.
By Katrina Valle | Karambola | Jaymark Dagala