Umarangkada na sa kalye ng Hebei Province sa China ang kanilang elevated bus o “straddling bus”.
Hindi uso ang trapik sa transit elevated bus nito dahil umaandar habang may umaandar o nakahintong sasakyan sa ilalim nito.
Ang bus na pinapatakbo ng kuryente ay may kakayahang magsakay ng 300 pasahero.
May taas itong 72 talampakan at may lapad na 25 talampakan.
Ang elevated bus ay pinatatakbo ng kuryente at bumibiyahe sa pamamagitan ng mala-riles na inilagay sa kalsada kayat mistulang tunnel itong nilalagpasan lamang ang pangkaraniwang mga sasakyan sa kalsada.
Sa pamamagitan umano ng naturang proyekto ay malaking espasyo ng matitipid at marami pa ang maisasakay.
By Ralph Obina