Aminado si Senate President Koko Pimentel na hindi solusyon sa lahat ng problema ng bansa ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa pederalismo.
Inihayag ito ni Pimentel kasunod ng maigting na kampaniya ng administrasyong Duterte na palitan na ang sistema ng pamamahala sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Pimentel na posibleng maging sagot ang pederalismo sa matagal nang problema ng bansa hinggil sa pagkakaiba ng kultura ng mga Pilipino.
Panahon na aniya para kilalanin ng bawat Pilipino ang pagkakaiba upang maisulong ang nagkakaisang pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Kasunod nito, sinabi ni Pimentel na maaaring mag-usap ang dalawang kapulungan ng Kongreso kung anong modelo ng pederalismo ang kanilang gagamitin.
Ngunit para sa kaniya, French model ang pinakamainam dahil unti-unti nitong maipakikilala ang parliamentary form of government sa mga tao.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)