Nakahandang magbaril sa harap ng publiko si dating Police General ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot
Ito’y sa sandaling mapatunayan ang kaugnayan nito sa anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na si Kerwin na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad
Sa isang panayam, sinabi ni Loot na hindi niya kilala ang mag-amang Espinosa at naging pamilyar lamang sa kaniya si Kerwin nang ma-aresto ito sa isinagawang operasyon ng pulisya nuong 2011
Hindi rin totoo ayon kay Loot na binisita niya si Kerwin sa kulungan nuong Marso 2015 na nakasaad umano sa isang intellegence report
Kasunod nito, hinamon ni Loot ang sinumang nagpakalat ng nasabing impormasyon na lumantad at ilabas ang ebidensya
By: Jaymark Dagala