Kasalukuyan na ring tinutugis ng Albuera, Leyte PNP ang may 150 tauhan ni mayor Rolando Espinosa Sr.
Ito’y makaraan ang nangyaring stand off sa tahanan mismo ng mga Espinosa sa nasabing bayan kung saan, 6 sa mga sinasabing tauhan ng Alkalde ang nasawi
Ayon kay C/insp. Jovie Espenido, hepe ng Albuera PNP, kabilang sa mga tinutugis ang isa pa sa mga sugatan sa engkuwentro kahapon na sinasabing nagtatago sa Tacloban
Kasunod nito, itinaas ni Espenido sa full alert status ang sitwasyon sa Albuera at nagpakalat na rin ng mga pulis sa iba’t ibang panig ng lalawigan para isinasagawa nilang manhunt operations
By: Jaymark Dagala