Malinaw na para kay Senadora Grace Poe ang pagtakbo sa pagka-Pangulo ni Interior Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Ibinunyag mismo ng senadora nang tanungin ng mga mamamahayag kung inalok siya ni Roxas bilang Bise Presidente, sinabi ni Poe na tuwing nagkikita sila ni Roxas ay madalas nitong mabanggit sa kanya na mas maganda kung magkasama sila.
Gayunman, hindi lamang anya ang pagkakaibigan ang batayan kundi ang parehong pananaw sa mga bagay at kumpiyansa sa isa’t isa bago magkaroon ng desisyon.
Nilinaw naman ni Poe na hindi pa siya pormal na inaalok kundi pawang mga pahiwatig lamang ang ginagawa ng kalihim.
By Jaymark Dagala