Nais ni Akbayan partylist Senator Riza Hontiveros na buksan na ang public conversation hinggil sa divorce bill.
Layon nito na malaman kung ano ang tinig ng mamamayan sa divorce bill na muling binuhay at isinusulong ng gabriela sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Hontiveros, may mga kababaihang nasasadlak sa abusive marriage, bagay na gusto nilang makawala sa ganitong sitwasyon.
Makabubuti aniyang mapag-usapan na rin ang patungkol sa child support at maayos na pagpapawalang bisa ng kasal.
Tikom ang bibig ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa kung ano ang kanyang posisyon sa divorce bill.
Nagbibirong sinabi ni Lacson na hindi pa siya handa na magdesisyon kung papaboran o hindi ang divorce bill dahil baka daw siya bugbugin ng kanyang misis
Paliwanag ng Senador, maituturing na mayroon ng diborsyo sa bansa dahil niluwagan na ang mga hinihinging requirement para sa annulment.
Aminado naman si Lacson na mas matagal pa rin ang proseso ng annulment kaysa sa divorce.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno