Nakalatag na ang 72 outlets para sa ticket ng Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Transportation Secretary Arturo Tugade, nakatakda nilang ihayag ang lokasyon ng mga outlets sa susunod na linggo.
Solusyon ito anya ng pamahalaan para tugunan ang napakahabang pila sa MRT sa pagkuha pa lamang ng ticket.
Puspusan na rin anya ang pagsasaayos nila sa mga riles at pagdaragdag ng power sources ng MRT bilang paghahanda sa pagdating ng mga bagong tren sa susunod na mga buwan.
Kailangan anya ng mas malakas na kuryente para mapatakbo ang mas maraming tren sa bilis na 60 kilometers per hour sa halip na 40 kilometers per hour na syang gamit sa kasalukuyan.
By Len Aguirre