Nanawagan na rin maging ang business adviser ni Manny Pacquiao na mag retiro na ito.
Ayon kay Michael Koncz, panahon na para talikuran na ni Pacman ang boksing matapos ang shoulder injury sa laban kay Floyd Mayweather, Jr.
Inamin ni Koncz na hindi pa nila napag-uusapan ni Pacman ang posibleng pagreretiro ng Pambansang Kamao.
Nakatuon aniya ang kanilang atensyon sa pagpapagaling ni Pacman lalo na’t wala naman silang pinaghahandaang laban hanggang sa pagtatapos ng taon.
By Judith Larino