Pinaiimbestigahan na ng Manila International Airport Authority o MIAA ang lahat ng mga tauhan nito na naka-assign sa Terminals 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pagkakaaresto sa isang babae sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng mahigit 700 gramo ng cocaine noong Hulyo 30.
Sa panayam ng DWIZ kay MIAA General Manager Ed Monreal, tinutukoy pa nila sa ngayon kung anong airline flight ang sinakyan nito patungong Hong Kong at kung saang terminal ito sumakay.
Gayunman, tumanggi si Monreal na pangalanan ang naturang babae.
Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
Airport inspection
Nagsagawa ng inspeksyon si Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sinabi ni Monreal, maayos naman ang sitwasyon sa ngayon ng Terminals 1 at 3 ngunit aminado ito na malaki pa ang kinakailangan nilang ayusin sa Terminal 2.
Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
Samantala, masaya ring ibinalita ni Monreal ang mga improvement na kanilang nagawa partikular na sa runway ng paliparan.
Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)