Naglayag na ang isa pang search and rescue vessel ng Philippine coast guard patungong hilagang Luzon
Ayon kay Coast guard spokesman commander Armand Balilo, ito’y bilang bahagi ng kanilang mandato na magbantay sa teritoryo ng bansa
Sa harap na rin ito aniya ng pananatili ng kahinahunan matapos makakuha ng paborableng desisyon ang pilipinas sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea
Tutulungan ng BRP Nueva Vizcaya ang BRP Pampanga sa pagpapatrulya sa karagatang sakop ng Pilipinas sa hilagang luzon na madalas pinapasok ng ibang bansa
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 5) Aya Yupangco