Nagpaliwanag si House speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa paglalagay ng Prime Minister sa binabalangkas nilang parliamentary form of government sa ilalim ng charter change o pag-amiyenda sa saligang batas
Sinabi ni Alvarez na bagama’t may Prime Minister, hindi pa rin mawawala rito ang Pangulo ng Republika na siyang tatayong lider ng bansa na ihahalal naman ng taumbayan
Habang ang Prime Minister naman aniya ay ihahalal ng mabubuong parliamento o mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan
Pagtitiyak naman ni Alvarez na madaling mapalitan ang Prime Minister kung hindi nito magagampanan ng maayos ang kaniyang tungkulin
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 7 ) Jill Resontoc