Nagpalabas na ng shoot-to-kill order si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga Narco-Politician at ilan pang opisyal na protector ng illegal na droga.
Umabot sa sukdulan ang galit ng Pangulo makaraang mabaril ng isang drug suspect ang hepe ng pulisya ng Magsaysay, Davao del Sur na si Police Senior Insp. Ricky Boy Remoroza na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya hahayaang maunahan ng mga sindikato ang kanyang mga tauhan kaya’t ipinag-utos ang shoot-to-kill order laban sa mga Narco-Politicians at ilang opisyal ng pulisya na nakikipagsabwatan sa sindikato.
Hindi aniya makakaasa ng due process ang mga Narco-Politician sa kanyang administrasyon at wala itong pakialam sa human rights na bumabatikos sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
Muling inihayag ng Pangulo na papangalan niya ang mga Gobernador at Alkaldeng sangkot sa illegal drug trade.
By: Meann Tanbio / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping