Tatlong truck ang sinunog ng hindi bababa sa 40 miyembro diumano ng New People’s Army sa Apayao Province.
Sa inisyal na ulat, pinasok ng mga umano’y miyembro ng Leo Cauilan Command-Kalinga ang compound ng Omengan Construction Development Corporation o OCDC sa barangay Guina-Ang sa nabanggit na lalawigan.
Sinasabing hindi nagbayad ng Revolutionary Tax ang nasabing kumpanya, bukod pa sa hindi umano binigay ang hinihingi ng NPA tulad ng bigas at damit.
Dahil dito, sinunog ng mga rebelde ang dalawang dump trucks at isang forward truck na pagmamay-ari ng OCDC.
By: Meann Tanbio