Nakatakdang kasuhan, ngayong araw, sa Manila Prosecutors Office, ng treason at inciting to sedition, sina GPH Chief Negotiator Miriam Coronel – Ferrer at Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Ging Deles.
Ayon kay Rep. Lito Atienza, kakasuhan nila ni Rep. Jonathan dela Cruz ang grupo, dahil sa tila pagbebenta ng mga ito sa soberanya ng Pilipinas sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), nang pumasok ito sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Sinabi ni Atienza na kasama sa mga kakasuhan, ang buong panel ng pamahalaan sa negosasyon.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)