Pinaiimbesitgahan na ni DILG Secretary Mike Sueno kay PNP chief dir/gen. Ronald bato Dela Rosa ang mga naitatalang extra judicial killings sa bansa
Kasunod na rin ito ng mga ikinakasang operasyon ng pulisya kontra sa iligal na droga
Ayon sa kalihim, dapat tingnan ni Dela Rosa ang pagkasawi ng mga hinihinalang sangkot sa droga sa kasagsagan ng operasyon
Iginiit ni Sueno na hindi kinukunsinte ng administrasyon ang mga mala vigilanteng pagpatay sa mga kriminal o sangkot sa droga maliban na lamang kung manlalaban ang mga ito
By: Jaymark Dagala