Hinatulang makulong ng anim hanggang sampung taon ng Sandiganbayan si dating Buguey, Cagayan Mayor Ignacio Taruc
Kaugnay ito sa kasong graft na isinampa laban kay Taruc bunsod ng iligal na pag-iipit nito sa suweldo ng limang tauhan ng munisipyo nuong 2007
Maliban sa pagkakakulong, pinatawan din ng anti-graft court si Taruc ng perpetual disqualification o pinagbabawalan nang humawak ng anumang posisyon sa gubyerno
Nakasaad sa desisyon ng Korte na may masamang motibo si Taruc nang hindi nito ibigay ang suweldo sa lima niyang kawani na sinasabing itinalaga ng kaniyang kalaban sa pulitika
By: Jaymark Dagala / (Reporter No.7 ) Jill Resontoc