Nanindigan ang liderato ng philippine national police o PNP na hindi bunga ng tsismis o haka-haka lamang ang naging pagububunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte
Ito’y makaraang pangalanan ng Pangulo ang may 150 pangalan mula sa hanay ng hudikatura, lokal na pamahalaan, pulisya at iba pa na sangkot umano sa iligal na droga
Ayon kay PNP chief dir/gen. RONALD bato Dela Rosa, sumailalim sa matinding workshop ang mga intellegence officers ng PNP, AFP at PDEA para mabuo ang naturang listahan
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag bilang reaksyon sa batikos ng ilan na isa lamang uri ng shame campaign ang ginawa ng Pangulo dahil may ilan sa mga nabanggit ay kundi patay na ay hindi naman tama ang impormasyon
Paggigiit pa ni Dela Rosa, hindi mababaw ang Pangulong Duterte para makinig sa bulung-bulungan at isama sa listahan ang kaniyang mga kalaban sa pulitika kahit wala naman aniya itong hawak na matibay na ebidensya
By: Jaymark Dagala