Mariing kinukondena ng militanteng bagong alyansang makabayan o BAYAN ang anumang uri ng parangal na ibibigay sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos
Ito’y makaraang ihayag na ng Pangulo ang kaniyang pagpayag na ihimlay sa libingan ng mga bayani ang dating pangulo na tinaguriang diktador
Sinabi ng grupo na hindi dapat pinaglalaanan ng oras at panahon ng pamahalaan ang isang huwad na bayani at hindi umano ito karapat dapat bigyan ng parangal kahit bilang dating pangulo
Binigyang diin pa ng grupo na hindi dapat gastusan ni isang sentimos mula sa kaban ng bayan ang pagpapalibing sa dating pangulo at tiyak anilang gagamitin umano ito ng pamilya Marcos para itanghal bilang bayani ang kanilang haligi
By: Jaymark Dagala / (Reporter No.5 ) Aya Yupangco