Sumuko ang 30 sa mga pinangalanang umano’y sangkot sa iligal na droga upang pabulaanan ang nasabing paratang.
Tumungo sa PNP criminal investigation and detection group kahapon ang 14 na alkalde, limang bise alkalde, isang kasapi ng kamara, tatlong miyembro ng bureau of jail management and penology, isang dating marine, at anim na iba pa.
Bagaman hindi inilabas ng CIDG ang mga pangalan ng mga nagsisuko, sinabi ni PNP Chief General Bato Dela Rosa na marami sa kanila ang naging emosyonal nang makipagpulong sa kaniya bago magtungo sa CIDG.
By: Avee Devierte