Ibinasura ng New People’s Army (NPA) ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na itutuloy ang usaping pangkapayapaan sa oras na gumamit muli ng landmine ang mga rebelde laban sa tropa ng gobyerno.
Ayon sa pahayag ng Communist Party of the Philippine Information Bureau, sa halip na itigil ay mas palalawakin pa ng NPA ang paggamit nila ng command-detonated exposives o cdx.
Anila, sisiguruhin nilang patuloy ang produksyon ng cdx landmine at mayroong sapat na suplay nito ang lahat ng unit ng NPA at People’s Militia.
Sa maraming pagkakataon anila ay napatunayan na epektibo itong panlaban sa puwersa ng militar.
Hindi anila nagpapatinag ang rebeldeng grupo sa babala ni Duterte dahil ginagawa lamang ito ng Pangulo upang ma-satisfy ang mga militar.
Umaasa ang rebeldeng grupo na matutuloy pa rin ang usaping pangkapayapaan at tutuparin ng Pangulo ang pangako nitong pagpapalaya sa mga political prisoner.
By Rianne Briones