Tuluyan nang tinapos ng Golden State Warriors ang serye sa Western Conference Finals ng National Basketball Association o NBA.
Ito’y matapos sungkitin ang score na 104-90 sa game 5 ng kanilang best-of-seven series kontra sa Houston Rockets.
Si Stephen Curry ang bumuhat sa Golden State para maisukbit nito ang kampeonato sa Western Conference habang si Dwight Howard naman ang nanguna sa Houston.
Makakaharap ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals na magsisimula sa Hunyo 4 sa bakuran ng Golden State.
By Jelbert Perdez