Tumulak pa-Morocco si Maine Mendoza kasama ang ka-loveteam na si Alden Richards para sa isang magazine pictorial.
Ayon sa report, magkahiwalay na bumiyahe ang ‘AlDub’ kaya naman tila umano nagkaroon ng separation anxiety ang kapareha nitong si Alden.
Full support naman ang ina ni Maine na si Mommy Mary Ann na siyang kasama nitong bumiyahe.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Maine ang kanyang unang picture ng pagdating sa Casablanca, Morocco.
Nakatakdang ilabas sa Oktubre ang magiging produkto ng magazine pictorial ng dalawa.
Matatandaang naging hit ang latest film ng dalawa na Imagine You and Me na kinunan naman sa Italy.
Photo: Screengrab from maine mendoza/ Instagram