Sisimulan na ng isang Japanese consortium ang pagtatayo ng bagong international airport sa lalawigan ng Bohol.
Ito ang inanunsyo ng Department of Transporation and Communications o DOTC, makaraang lumagda na sa kontrata ang mga kumpaniyang Mitsubishi Corporation at Chiyoda Corporation.
Dahil dito, sinabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, kinakailangan ito para ma-accomodate ang mga turistang darayo sa lalawigan na patuloy sa pagtaas sa paglipas ng mga panahon.
Inaasahang makukumpleto ang pagtatayo ng nasabing paliparan sa 2018 na siyang papalit sa kasalukuyang Bohol International Airport na ika-11 sa mga pinakaabala o busiest airport sa bansa.
By Jaymark Dagala