Iginiit ng China ang pagiging anito’y best choice ng dating Pangulong Fidel Ramos para makipag-usap sa kanila sa isyu ng West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito nang pagkatuwa ng China sa pagdalaw ng dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy ng Pilipinas at pagiging anito’y respetadong stateman sa Asya.
Binigyang diin ng Beijing na pag-asa ang dala ni FVR sa posibleng pagbalik ng bilateral talks sa pagitan ng dalawang bansa at pagbukas ng bagong kabanata sa mapayapang pagresolba ng maritime dispute.
Sinasabing malaking advantage ang matagal nang relasyon sa China para makatulong na maibalik sa dati ang lumamig nang bilateral ties ng Beijing at Pilipinas.
By Judith Larino
Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)