Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa mala-tsunaming mga alon o seiche kapag tumama ang isang malakas na lindol.
Ayon kay Joan Salcedo, Supervising Science Research Specialist ng PHIVOLCS, tanging sa mga look, lawa o golpo lamang nagkakaroon ng seiche kapag mayroong kalamidad.
Partikular na tinukoy ni Salcedo ang Laguna de Bay na nasa silangang bahagi ng Metro Manila na isang uri ng look o baybayin.
Ngunit inihayag ni Tez Navarro, Public Information Officer ng Muntilupa na handa sila sa anumang uri ng mga kalamidad.
Isa ang Muntilupa sa mga bayang nakapaloob sa West Valley Fault na ibinabalang gagalaw anumang oras na magdudulot ng malakas na pagyanig na tinatayang nasa magnitude 7.2.
By Jaymark Dagala