Ikinakasa na ng mga militante ang isang kilos protesta sa Linggo, August 14 sa Luneta Park.
Ang nasabing pagkilos ay pangungunahan ng grupong Coalition Against the Marcos Burial at The Libingan ng mga Bayani, isang multi-sectoral group na binubuo ng mga grupo gaya ng Freedom from Debt Coalition, Philippine Alliance of Human Rights Advocates at student groups mula San Beda at University of the Philippines.
Ayon kay Susan Quimpo ng Bantayog ng mga Bayani, isa sa grupong kasali sa binuong coalition, umaasa sila na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang panawagan sabay giit na hindi makatwiran na baguhin ang kasaysayan at kalimutan nalamang ang mga nangyari noong panahon ng batas militar.
Nauna nang inihayag ng Pangulong Duterte na papayagan niyang mag-rally ang mga tutol sa hero’s burial para sa dating Pangulong Marcos kahit na abutin pa ito ng isang buwan.
By Meann Tanbio