Sinalakay ng PNP-CIDG at Anti-Illegal Drug Group ang Abuyog Leyte Penal Penitentiary.
Target ng pagsalakay sa bisa ng isang search warrant si Edgardo Allan Alvarez na isang drug inmate.
Ayon kay Chief Inspector Maria Bella Rentuaya, Spokesperson ng PNP Region 8, hinagisan ni Alvarez ng bomba ang raiding team habang isinasagawa ang paghalughog sa kulungan.
Nang hindi sumabog ang bomba ay bumunot ng kalibre 45 baril ang suspect at pinaputukan ang mga pulis.
Dito na umano gumanti ng putok ang raiding team at napatay si Alvarez.
Nakuha mula kay Alvarez ang isang kalibre 45 at kalibre 38 baril, isang malaking pakete ng marijuana at hindi pa matukoy na bilang ng shabu.
Matatandaan na ikinumpisal ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa na sa loob ng Abuyog Penitentiary kumukuha ng suplay ng droga ang anak na si Kerwin.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)