Sinuspinde ni DENR Secretary Gina Lopez ang dalawang mining companies matapos mapatunayang maraming paglabag sa environmental laws.
Ito ay ang Mt. Sinai Mining Exploration and Development Corporation at ang Emir Mineral Resources Corporation na kapwa matatagpuan sa Homonhon island sa Guiuan, Eastern Samar.
Ang ipinataw na suspensyon ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng audit team ng DENR.
Ang Mt. Sinai ay nagpro-produce ng chromite, habang ang Emir Mineral Resources ay nickel ore.
By: Meann Tanbio