Naniniwala si Senadora Grace Poe na hindi na dapat palakihin pa ang usapin hinggil sa umano’y banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng batas militar
Ito’y makaraang pakawalan ng Pangulo ang naturang pahayag bilang pagtugon sa ipinadalang liham sa kaniya ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno
Ayon kay Poe, simula’t simula pa lamang, kilala na ang Pangulo na nagpapakawala ng mga salita na sadyang maaanghang at kontrobersyal
Ngunit sa usapin aniya ng martial law, naniniwala si Poe na alam ng Pangulo ang kaniyang sinasabi ngunit nanindigan ito na hindi siya boboto na ipasa ang martial law kung hindi naman lubhang kinakailangan
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19 ) Cely Bueno